• Home
  • Fresh Scoops
  • Ice Seguerra on quitting her government post: ‘Masaya akong kumakanta’

Ice Seguerra on quitting her government post: ‘Masaya akong kumakanta’

The singer answers issues regarding her resignation as National Youth Commission chairperson.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/7/2018 8:31 AM
Ice Seguerra on quitting her government post: ‘Masaya akong kumakanta’


 

Naglabas ng saloobin ang former chairperson ng National Youth Commission (NYC) na si Aiza ‘Ice’ Seguerra tungkol sa kanyang naging pagbitiw sa kanyang posisyon sa gobyerno. 

Matatandaan na nag-anunsyo ng kanyang resignation si Aiza noong March at naging kontrobersyal ito. 

“Nakakatawa lang sana nilabas din nila ang side ng National Youth Commission. Siguro nasanay na din ako sa industry natin na maraming ganyang tao,” bungad ni Ice tungkol sa mga bumabatikos sa kanya. 

Aniya, naging maayos ang kanyang panandaliang paninilbihan sa National Youth Commission kahit na napaligiran siya ng mga isyu.

“Alam kong malinis ako and alam ko din the whole time in that agency, I did my best and I made sure na maayos lahat pati paper works. Pati ang Commission on Audit (CoA)na may mga tanong, which I think is normal in other agencies, pero ang importante, nasagot ko,” sabi pa niya. 

“Doon lang ako natatawa na they write and nilabas nila ang observation ng CoA, pero hindi nila nilabas yung justification namin so bakit ganun,” dagdag pa nag former chairperson.

Ganun pa man, no regrets daw si Ice sa kanyang mga naging desisyon bilang opisyal ng NYC.

“Ay hindi, hindi kasi ako yung tipo ng tao na, it’s not even true, why will I let that affect me, so lumabas naman yung katototohanan,” sabi pa ni Ice. 

At nang tanungin naman ang singer sa possibility ng pag-appoint sa kanya sa ibang posisyon sa gobyerno, ito ang kanyang naging tugon:  

“Masaya akong kumakanta hahaha! I like the public service side, but the politics is not nice,” huling komento ni Ice.