• Home
  • Fresh Scoops
  • Lea Salonga comforts Angeline Quinto after a basher threatened the latter’s mother

Lea Salonga comforts Angeline Quinto after a basher threatened the latter’s mother

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/6/2018 10:48 AM
Lea Salonga comforts Angeline Quinto after a basher threatened the latter’s mother


Photo credit: @msleasalonga IG (L)/ @loveangelinequinto IG (R)

 

Naging mainit ang balita kung saan pinagtawanan di umano ni Angeline Quinto at Morissette Amon ang sitwasyon ni Sarah Geronimo na naiyak sa kanyang Las Vegas concert. Mariin mang itinanggi nina Angeline at Morissette ang isyu, patuloy pa rin ang pag-atake sa kanila ng mga bashers.

 

Nagpahayag ng suporta ang Broadway star na si Lea Salonga kay Angeline at pinayuhan siyang maging matatag matapos makita ni Lea ang tweet ng isang basher kung saan pinagbantaan pa ang ina ni Angeline.

 

 

“One, ang punong walang bunga ay hindi binabato. Two, ang mga gumagawa ng ganoon ay duwag. Wala siyang tapang na magpakita sa iyo. Hanggang sa Twitter lang ang kanyang lakas loob. Three, mas maraming nagmamahal sa iyo keysa hindi. Magpakatatag lang, [Angeline],” ani Lea.