• Home
  • Fresh Scoops
  • Netizen umalma nang paratangan ni Ellen Adarna na isang paparazzi

Netizen umalma nang paratangan ni Ellen Adarna na isang paparazzi

Isang high school student ang inaakusahan ni Ellen Adarna na kumukuha ng video niya sa isang restaurant.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

5/5/2018 3:45 PM
Netizen umalma nang paratangan ni Ellen Adarna na isang paparazzi


Photos credit to @maria.elena.adarna IG

 

Mainit ang Twitterverse ngayon dahil sa isyung kinunan ng picture ni Ellen Adarna ang isang high school student na umano’y kumukuha rin ng video niya. 

Sa kanyang Instagram stories, pinost ng aktres ang ilang photos ng isang babae na na may caption na “When you PAP us, we PAP you. It’s a tie. #PAParazziMoves.”

Ngunit umalma naman ang naturang dalaga sa Twitter at ipinaliwanag ang kanyang side of the story. 

Sa kanyang bagong Instagram story, nagreact ulit si Ellen at sinabing mukhang guilty naman talaga ang dalaga at hiningi pa niya ang CCTV footage sa restaurant sa may ari para lang mapatunayan na paparazzi moves nga ang ginawa ni Eleila. 

“Your reaction in the video that I took explains it all. Like, you looked so guilty, you didn’t even know what to do if you should pick up your chopsticks. You looked so conscious because you panicked, because I was doing what you were doing,” sabi ni Ellen. 

“Girl, you can deny all you want but before your food arrived, you guys knew what you were doing. But whatever, feeling na kung feeling pero ‘di kami tanga,” dagdag pa nito. 

Kahit pa nabash ng ilang netizens, pinaninindigan ni Eleila na inosente siya at wala siyang problema sa pag-review ng CCTV footage ng restaurant. 

Meanwhile, Ellen’s boyfriend John Lloyd Cruz also posted a similar video on his Instagram which he captioned “Reciprocity”. 

 

Reciprocity

A post shared by portal,library (@ekomsi) on