• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sofia Andres, nagsalita tungkol sa breakup nila ni Diego Loyzaga

EXCLUSIVE: Sofia Andres, nagsalita tungkol sa breakup nila ni Diego Loyzaga

Naka-move on na din daw si Sofia Andres sa relasyon nila ni Diego Loyzaga.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/5/2018 12:17 PM
EXCLUSIVE: Sofia Andres, nagsalita tungkol sa breakup nila ni Diego Loyzaga


Photos credit to @diegoloyzaga and @iamsofiaandres IG

 

Walang pormal na pag-amin noon sina Sofia Andres at Diego Loyzaga na sila ay magkarelasyon. Lumabas na lang ang tungkol dito nung maghiwalay na silang dalawa.

Sa exclusive interview ng PUSH kay Sofia, inamin niya civil naman sila ngayon ni Diego.

“Civil lang lang po kami,” pag-amin pa niya.

“Ano po naman. Okay na po kami nang separate, mas okay po sa amin. Kasi pag magkasama kami, laging nagka-clash po kami, mas better na…” dagdag pa ni Sofia.

Madali ba siyang naka-move-on sa breakup nila ni Diego?

“Ang okay naman din sa akin, mabilis akong mag-move-on. Ang ginagawa ko na lang, ina-avoid ko po yung tao, kahit po yung mga connected sa kanya.

“Wala ring social media hangga’t maaari. Kasi dati po ako, lagi akong naka-social media, so nakikita ko rin. Honestly ngayon, hindi kami friends kahit sa Instagram and Twitter,” sambit niya.

Paano ba sila nag-part ways?

“Paano nga ba? Ah, nung after po nung Pusong Ligaw kasi… there are times na okay po kami, there are times na nagka-clash talaga.

“Eh, siguro po, iba po kasi yung wavelength namin, eh. Iba rin yung lifestyle niya at yung lifestyle ko,” she said.

Patuloy ng dalaga, “Hindi pa po kami nakakapag-usap nang seryoso. Pero meron pong nangyaring usapan before, pero magulo po, eh.”

Inamin din ni Sofia na kalagitnaan pa lang daw Pusong Ligaw series ay hindi na sila okay ni Diego.

Ano ba ang natutunan niya sa nangyari?

“Don’t force it. I mean, dadating po kasi yon, eh. Siguro, yung sa amin minadali namin. Saka pag may mga advice, kailangan nakikinig. Kasi minsan, inuuna yung nararamdaman kesa don sa kung ano yung nakikita,” sagot niya.

Bago si Diego ay naging boyfriend din ni Sofia si Inigo Pascual.

Kuwento ni Sofia, “Si Inigo, sobrang bait talaga. Hindi kami nagka-clash. Never kaming nag-away ni Inigo, never po talaga. Mabait po yon.

“Kaya lang kasi bata pa po kasi kami noon, eh. So, naintindihan ko naman siya. We’re friends pa rin ngayon at yon yung maganda.”

Puwede ba slang maging friends ni Diego?

“Not this time po,” medyo papailing na pahayag ng dalaga.

“Iba po kasi talaga siguro kapag nasaktan namin yung isa’t isa nang sobra. Hindi na po namin alam kung paano magiging okay ulit,” huling pahayag niya sa PUSH.