Angeline Quinto, naiyak dahil sa mga nambash sa ina niya

Angeline Quinto at Morissette Amon, nagsalita na tungkol sa issue na pinagtawanan daw nila si Sarah Geronimo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/5/2018 9:28 AM
Angeline Quinto, naiyak dahil sa mga nambash sa ina niya


 

Sa ulat ng TV Patrol, nagsalita na si Morissette Amon at Angeline Quinto tungkol sa natanggap nilang pambabash mula sa mga netizens na naniwala sa rumor na diumano pinagtawanan nila si Sarah Geronimo dahil sa pag-break down nito sa concert sa Las Vegas.

 

Ani Morissette, “Nagulat po ako na ang daming naniwala sa wala namang supported evidence nung issue na yun.”

 

Ayon naman kay Angeline, “Sa lahat po ng mga taong nagsalita ng masakit sa akin, lahat sila kayang-kaya kong puntahan ng personal para humingi ng pasensiya basta ibigay nila sa akin na totoo yung ginawa at ibinibintang nila sa amin.”

 

Hindi din napigilan ni Angeline maiyak dahil sa masasakit na salita na natanggap kung saan nadamay pa ang ina niya. “Kaya kong tanggapin lahat ng masasakit na salitang ibabato sa akin, kahit anong salita, kahit pinakamasakit na salita sa buong mundo na ibibigay sa akin, pero ‘wag na ‘wag lang sana talaga ang mama ko.”

 

Nagmessage din diumano sa kanya si Sarah. “Sobra akong lalong humanga kay Sarah kasi nakatanggap po ako ng message sa kanya at humihingi po siya ng sorry sa akin.”

 

Kumalat din ang balita na personal assistant ni Amy Perez ang nakarinig kay Morissette at Angeline na pinagtatawanan si Sarah sa set ng Umagang Kay Ganda. Pero ayon sa ulat, hindi daw ito totoo ayon kay Amy. Wala daw nangyaring ganun sa set ng UKG at wala din daw PA si Amy.

 

Pinag-aaralan na din ng kampo nina Angeline at Morissette ang maaring pagsampa nila ng kaso laban sa mga bashers nila.