• Home
  • Fresh Scoops
  • Solenn Heussaff, inaming hindi pa right timing para magbuntis

Solenn Heussaff, inaming hindi pa right timing para magbuntis

Handa naman daw si Solenn Heussaff magka-baby sa tamang panahon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/4/2018 8:47 AM
Solenn Heussaff, inaming hindi pa right timing para magbuntis


 

Dahil isang mommy ang role ni Solenn Heussaff sa Regal Entertainment movie at Mother’s Day offering na My 2 Mommies kaya hindi maiwasang tanungin siya kung handa na rin ba siyang maging mommy in real life.

Sagot ng leading lady ni Paolo Ballesteros, “Ready naman ako for three years, kaso lang, ayoko pa.”

Confident na rin naman daw siya na mapapalaki niya nang maayos ang magiging anak.

“Financially, I’m also confident. Confident na din ako sa sarili ko na I can raise a human being. Kaso lang, hindi pa timing ngayon.

“But we will eventually get there. At hindi ko sasabihin, hindi ako magtu-tweet or maga-IG pag nangyari ‘yun, baka (pag) 6 months (nang buntis), malalaman n’yo,” natatawang pahayag ni Solenn.

Pero humirit naman si Solenn at sinabing “next year, but not this year,” patungkol kung kailan talaga niya talaga balak magbuntis.

Kung siya raw ang masusunod ay gusto niya ay isang babae at isang lalaki lang ang magiging anak. Pero ang asawang si Nico Bolzico ay four kids daw ang gusto.

Teka, hindi ba siya natatakot na baka masira ang sexy figure niya pag nagbuntis siya? Isa pa naman siya sa itinuturing na one of the sexiest actresses in Philippine showbiz.

Aniya, “Well, di naman nakaka-worry because there’s way of maintaining. Siyempre naman, makikita mo, like si Ina Raymundo, ilan ‘yung mga anak niya, mas fit pa siya kesa sa mga 20-year-old that you see, di ba?

“Alam ko, may career would change, baka hindi na maging sexy ‘yung title ko or baka magiging sexy rin in a different way, pero okey lang naman.”

Katulad niya, wala pa ring balita kung kailan balak ng hipag niya at kaibigang si Anne Curtis na magkaroon ng baby. Hindi rin daw niya tinatanong si Anne tungkol dito.

“Everyone is in their own time. So, kung gusto nila magka-baby, wala namang planning na ganyan. That’s their own course and their own future, so hindi ako nagtatanong sa kanila kung magta-try ba sila this year,” sambit pa ng aktres.

Showing na sa May 9 ang My 2 Mommies under the direction of Eric Quizon. Kasama rin sa movie si Joem Bascon at may special role si Ms. Maricel Soriano.