• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe Demi Leigh Nel Peters and former queens babalik sa Pilipinas

Miss Universe Demi Leigh Nel Peters and former queens babalik sa Pilipinas

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/4/2018 8:43 AM
Miss Universe Demi Leigh Nel Peters and former queens babalik sa Pilipinas


Photo credit: @jonasempire.ph on IG

 

Inaasahan muli ang pagbabalik Pilipinas ng Miss Universe Organization para sa isang benefit show ng Frontrow International sa darating na Martes, May 8, sa isang hotel sa Pasay City.

 

 

Kasama ng Miss Universe Organization ang reining Miss Universe na si Demi Leigh Nel Peters at Miss Universe 2016 na si Iris Mittenaire. Present din sa naturang event si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ito ang ikalawang beses na muling bumisita ang Miss Universe Organization sa Pilipinas matapos makoronahan ni Demi Leigh Nel-Peters.

Sa ngayon, hindi pa din nawawala ang usapin na muling mag-host ang Pilipinas ng Miss Universe pageant.

January 2017 nang huling idinaos sa Pilipinas ang Miss Universe coronation kung saan ipinasa ni Pia kay Iris Mitternaire ng France ang corona.