Ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino inilunsad na

Target din nag Pista nag Pelikulang Pilipino ang maabot ang mas malaking market ng manunuod ngayong 2018.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/4/2018 1:28 PM
Ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino inilunsad na


Photo credit: Pista ng Pelikulang Pilipino's FB

 

Muling inanunsyo ng Film Development Council of The Philippines (FDCP) ang pagbubukas ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ito na ang ikalawang taon ng film festival na intinaguyod ng FDCP na pinamumunuan ni chairperson Liza Diño-Seguerra 

Muling pipili ng walong official entries na mapapanuod sa darating na August.

“May mga nagsa-submit pa lang ngayon. June 15 is our deadline, but we’re very excited kasi this year yung pinakabagong change natin [is] all the films are for Philippine premiere, meaning it’s fresh for Pista ng Pelikulang Pilipino,” sabi ni Liza.

Ayon pa kay Liza, mahalaga din daw ngayon ang magkaroon ng maayos na marketing strategy para maibenta ng maayos ang pelikula.

“Kailangan talaga ang mga pelikula natin alam natin kung sino ang audience natin. We cater to that audience. Marami tayong mga pelikula noon na sila mismo nagsasabi na mali ang kanilang marketing strategy kasi hindi nila na-tap ang audience na dapat nila i-tap,” sabi pa niya.

Malaki na din daw ang target na kita ng Pista nag Pelikulang Pilipino.

“I think last year 170 million ang kinita natin. Siguro this year pwede natin i-raise ng 200 to 210 million.”

Magsisimula ang Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong Agosto 15 na magtatapps ng August 21, 2018.