• Home
  • Fresh Scoops
  • Meryll Soriano on her Papa Guchi: ‘He’s really my bestest friend’

Meryll Soriano on her Papa Guchi: ‘He’s really my bestest friend’

Meryll Soriano, idetalye kung sino si Papa Guchi sa buhay niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/31/2018 9:33 AM
Meryll Soriano on her Papa Guchi: ‘He’s really my bestest friend’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, pinakilala ni Meryll Soriano kung sino si Papa Guchi sa buhay niya. Anya si Papa Guchi ay stepfather niya pero bukod pa dito, “He’s really my bestest friend. I grew up na siya talaga yung nag-alaga sa akin.”

Kwento ni Meryll, 26 years ng magkasama ang mama niya at si Papa Guchi.

Dagdag pa ni Meryll tungkol sa special closeness niya kay Papa Guchi. “He would drive for me going to work, he would cook my food, he would prepare everything. He would train me, swimming, if I want to do gymnastics, he would train me [in] gymnastics. Anything. And if I can’t sleep, we would go for a drive sa gabi. We’d eat and then I’d say Papa Guchi, ‘Antok na ako’ and then we’d go home.”

Lagi din ni Meryll dinadalaw ang mom niya at si Papa Guchi sa Japan kasama ang anak niyang si Eli. “We’re always there when we have vacation.”

Nang tanungin naman kung kumusta na sila ng kanyang ama na si Willie Revillame, sinabi ni Meryll na, “We’re okay. We’re older now so we’re okay.”