• Home
  • Fresh Scoops
  • Brunei-based businesswoman to file libel cases against Sunshine Cruz and other celebrities

Brunei-based businesswoman to file libel cases against Sunshine Cruz and other celebrities

Businesswoman na dinemanda ng Estafa, may kontra-demanda laban kay Sunshine Cruz atbp.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/31/2018 9:40 AM
Brunei-based businesswoman to file libel cases against Sunshine Cruz and other celebrities


 

Sa ulat ng TV Patrol, magsasampa diumano ng kontra-demanda ang Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya laban sa mga nagdemanda sa kanya sa kasong Estafa. Kasama sa sasampahan niya ng libel case ang mga kilalang personalidad na sina Joel Cruz, Sunshine Cruz, at Ynez Veneracion. 

Bwisit din siya kay Ynez na naunang nag-expose sa kanya. ”Sa ginawa nilang pampahiya sa akin, I will file a libel case. Bayad na po si Ynez Veneracion at nagpapasikat lang yan kasi laos na siya.”

Sa Jolo, Sulu ni Dupaya isasampa ang libel case at nang tanungin kung bakit dun siya magsasampa ng demanda, sagot niya ay, “Bayan ko po yun, dun ako lumaki at nandun lahat ng kamag-anak ko.”

Sagot naman ni Ynez kay Kathy, “Magsasampa ako, libel din talaga. Bukod pa dun sa mga isasampa ng iba.”