TNT boys, biktima ng bullying

TNT boys, may masamang experience sa kamay ng mga bullies.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/30/2018 9:30 AM
TNT boys, biktima ng bullying


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nag-share ng mga experience sa bullying ang Tawag ng Tanghalan boys na sina Francis, Mackie, at Kiefer. 

Ani Francis, biktima siya noon ng bullies at ang ang example ng ginawa sa kanya ay, “meron po akong paper, like sa school po, nung nahulog ko po tapos tinatapakan po.”

Si Kiefer din ay may masamang memory sa mga bullies. Aniya, “Yung nilagyan po ako ng mga buhangin sa buhok ko, tapos nahirapan po ako magtanggal kasi sobrang dami po e.” 

Kakaiba naman si Mackie dahil, “Aminado po ako na noon po ako po yung bully.” Pero ani Mackie, “Pero hindi na po ngayon, nagbago na po ako.” 

Mensahe din ng TNT boys sa para sa mga bullies ay tigilan na ito.