Philippine bet wins Mr. Universe Tourism 2018

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/30/2018 9:18 AM
Philippine bet wins Mr. Universe Tourism 2018


Photo credit: Missosology - Male Pageants' FB

 

Wagi sa 2018 Mr. Universe Tourism ang pambato ng Pilipinas na si Ion Perez sa katatapos lang Mr. Universe Tourism pageant na ginanap sa Tanghalang Pasigueno, Pasig City.

Angat ang performance ni Perez sa dalampung nag-gagwapuhang male candidates na nagmula pa sa iba’t ibang bansa.

Ipinasa ni 2017 Mr. Universe Tourism Ricardo Carter ng bansang Thailand ang titulo kay Perez.

Itinanghal naman bilang First Runner up si Mr. Indonesia at Second Runner up ang kadidato mula sa India.

Nanalo din si Mr. Philippines bilang Best in Swimwear. Samantala, Best in Festival Costume si Mr. Indonesia, Best in Tourism Advocacy Video si Mr. Myanmar at Most Photogenic and Best in Formal Wear naman si Mr. Sabah.