• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathy Dupaya kay Sunshine Cruz: “Nilampaso niya ako! Kaibigan niya ako!”

Kathy Dupaya kay Sunshine Cruz: “Nilampaso niya ako! Kaibigan niya ako!”

Sumisigaw ng katarungan si Kathy Dupaya sa alegasyon ng mga showbiz personalities laban sa kanya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/30/2018 11:58 AM
Kathy Dupaya kay Sunshine Cruz: “Nilampaso niya ako! Kaibigan niya ako!”


 

Naglabas ng saloobin ang Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya sa mga naglalabasan na balita laban sa kanya.

Matatandaan na idinidiin si Kathy ng ilang personalidad gaya nina Joel Cruz, Ynez Veneracion at Sunshine Cruz dahil sa alegasyon ng pagtangay di umano ng maraming pera sa kanila.

At nitong weekend nagsama-sama sina Joel, Ynez, Sunshine at ilan pang nagrereklamo para pag-usapan ang pagsasampa ng kaso.

Read: Showbiz personalities na nabiktima ng isang scam nagsama-sama para maghain ng kaso

Sa panayam naman ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News nitong May 29, naglabas ng saloobin ang inirereklamong si Kathy laban sa mga akusasyon laban sa kanya.

“Ang pinakamasakit po sa'kin dito sa lahat ay si Sunshine Cruz po, dahil siya po ang BFF ko araw-araw nakikita ko. Araw-araw, hindi ko po ineexpect na ilalaglag niya ako sa kabila ng lahat. Noong walang wala siya, ako po ang ka- text niya,” pahayag niya.

“Dinala ko siya sa Europe, dinala ko siya sa Singapore, balik balik siya sa Brunei. Lahat ng luho niya, shopping niya, lahat! Kahit sinong kaibigan niya walang gagawa sa kanya niyan,” dagdag pa ng Brunei-based businesswoman.

Aminado si Kathy na apektado siya sa ginawa sa kanya na panglalaglag di umano ni Sunshine.

“Nilampaso niya ako! Kaibigan niya ako!” umiiyak na pahayag niya.

“'Yan si Ynez, expected ko na sirain ako pero si Sunshine dahil sa lahat lahat, siya ang nakinabang sa lahat, siya ang nakinabang, hindi lang sa kanya, sa support ko sa mga anak niya,” sabi pa nito. 

Sa panayam din na ito, ikinuwento rin ni Kathy kung anong klaseng kaibigan siya kay Sunshine.

“Magshopping siya ng mga damit niya sa Zara, alam lahat ng sales lady sa Greenbelt kung magkanong mga halaga ang binayaran ko sa kanya na hindi alam ng asawa ko, ni hindi ko nabigay sa mga kamag-anak ko. Mga pera ko siya nakinabang. Tapos ngayon sasabihin nakipag-isa siya sa mga tao na sasabihin na scammer," aniya. 

Diin ni Kathy, naging maganda ang kanilang business ni Sunshine simula noong mag- invest sa kanya ito noong 2015.

“Kumita po siya ng five million. Bukod sa five million, nakinabang siya ng pera sa'kin ng dalawang taon na mahigit from 2015. Nakinabang siya sa'kin at hindi makatarungan na sabihin na scammer ako!” pahayag pa nito.

Samanatala sa Facebook post ni Sunshine, ipinakita ng aktres ang mga alahas na di umano ay galing kay Kathy.

Sa naging panayam ng PUSH kay Sunshine, ibinahagi nito na desidido sila sa pagsasama ng kaso laban sa kanya.