• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo reacts to Karla Estrada’s wish for son Daniel Padilla to get married in his 30s

Kathryn Bernardo reacts to Karla Estrada’s wish for son Daniel Padilla to get married in his 30s

Kathryn Bernardo, nag-react sa sagutan ng mag-inang Daniel Padilla at Karla Estrada tungkol sa pagpapakasal.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/30/2018 9:30 AM
Kathryn Bernardo reacts to Karla Estrada’s wish for son Daniel Padilla to get married in his 30s


Photo credit: @karlaestrada1121 (R) on IG

 

Sa ulat ng TV Patrol, nagbigay na ng reaksiyon si Kathryn Bernardo sa sagutan ni Daniel Padilla at nanay nitong si Karla Estrada tungkol sa tamang edad ng pagpapakasal.

Ani Kathryn, “Nagulat ako, tinapos ko ang TV Patrol para mapanuod yun. Katuwa si Tita Karla, saka hindi pa naman talaga namin yun plan. Ang bata-bata pa namin.”

Matatandaan na sinabi ni Karla sa isang interview na gusto niyang mag-asawa si Daniel ng “35 o 40,” na sinagot naman ni Daniel na hindi naman niya sinang-ayunan ito dahil sa “ayoko din naman ng masyadong late (mag-asawa).” 

Kuwento pa ni Kathryn na napag-uusapan din nila ng kanyang ina ang tungkol sa pag-aasawa. “Kasi pag si Mama nag-uusap din naman kami about that and of course. Dapat maging open ka sa ganyang idea pero sa tamang time.”