• Home
  • Fresh Scoops
  • After ‘Singer 2018’, KZ Tandingan opens opportunities for Pinoy talents in China

After ‘Singer 2018’, KZ Tandingan opens opportunities for Pinoy talents in China

Looking forward si KZ Tandingan sa mga bagong opportunity na magbubukas para sa mga talented Pinoy artist.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/30/2018 10:46 AM
After ‘Singer 2018’, KZ Tandingan opens opportunities for Pinoy talents in China



Masayang masaya ang singer-performer na si KZ Tandingan na maraming oportunidad para sa Pinoy talents ang nagbubukas ngayon sa China.

 

Matapos ito ng kanyang nagawang achievement sa Singer 2018 kung saan nakasama niya ang ilan mga international singers.

“Yes sobrang happy po, kasi the first time na we went to China ang number one goal po natin doon is to open the doors not just for me as a singer but for other performers here in the Philippines,” bungad ni KZ.

Naniniwala din daw si KZ na marami pang Pinoy talents ang makakagawa ng pangalan sa ibang bansa.

“Ang Philippines ay isa sa mga bansa na may pinaka-talented na mga tao, specially singers at naghihintay lang tayo ng opportunity na ibigay sa atin.”

Aniya, Hindi man daw siya nakapasok sa Grand Finals ng Singer 2018, winner pa din daw siya dahil naibahagi niya sa puso mga Chinese ang talentong Pinoy.

“Hindi man po tayo naka-abot as grand finalist, kumbaga yung pinaka-purpose kung bakit tayo nagpunta doon ay talagang nakuha naman din po natin. And I hope this is not the last opportunity for the Filipino performers.”

Sa ngayon, abala si Kz sa paghahanda sa kanyang first major concert na gaganapin ngayong June 22, 2017 sa Mall of Asia Arena.