• Home
  • Fresh Scoops
  • Joem Bascon, ibinahagi kung ano ang pumipigil sa kanya para pakasalan ang long-time girlfriend

Joem Bascon, ibinahagi kung ano ang pumipigil sa kanya para pakasalan ang long-time girlfriend

May iba pang inamin si Joem Bascon tungkol sa relasyon nila ng kanyang girlfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/3/2018 10:23 AM
Joem Bascon, ibinahagi kung ano ang pumipigil sa kanya para pakasalan ang long-time girlfriend


 

Hindi itinanggi ni Joem Bascon na almost six years na silang nagli-live-in ng vlogger girlfriend na si Crisha Uy. Pero hindi pa raw muna nila naiisip ang magpakasal.

“Hindi pa naman. Nag-iipon pa. Siyempre, meron pa akong ano, andyan pa yung nanay ko, tatay ko, may family pang umaasa,” katwiran ni Joem na kasama sa pelikulang The Impossible Dream at My 2 Mommies ng Regal Entertainment.

Eh, kailan ba niya balak if ever?

“Hindi ko masabi kung kailan magpapakasal kasi baka biglaan na lang, ‘Uy kasal na kami,’” natatawa niyang hirit.

Ano ba ang pumipigil sa kanila to get married?

“Wala naman. Ang inisip ko lang din, kasi nakikilala na si Crisha sa YouTube, gusto ko munang i-maximize niya kung ano yung ginagawa niya as a vlogger.

“Pero nagpaalam naman na ako sa parents niya sa States saka sa magulang niya sa Cebu na hinihingi ko yung kamay niya. Meron namang basbas na. Pero yung mga formalities, mga preparasyon talaga, wala pa naman,” kuwento ni Joem.

Pang-seventh year na nilang magkarelasyon ngayon at kung sinasabi ng marami na delikado ang pang-pitong taon dahil sa tinatawag na “seven-year itch” hindi naman naniniwala si Joem tungkol dito.

Aniya, “Parang hindi naman, eh, kasi minsan… Alam mo kasi, kahit anong sabihin natin, ang girls kasi talaga, ano siya, eh, sala sa init sala sa lamig.

“Iba-iba yung mood nila lagi, so hindi ko masasabi kung okey siya dito, okey siya sa ganun. Minsan, okey na okey yung buong taon. Depende din sa mood niya, eh,” rason pa niya.

Eh, paano kung aksidenteng mauna ang baby bago ang kasal?

“Sabi din kasi namin, nung nagpaalam ako, magpakasal muna. Siyempre, natatakot pa rin ako sa mga magulang niya,” he said.

Samantala, inamin din ni Joem na wala na siyang balita ngayon sa kaibigang si John Lloyd Cruz.

“Hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni John Lloyd. Busy ata siya, eh. Nung last time ko siyang nakita was last year, December sa Cebu nung nagbakasyon kami ng girlfriend ko. Pero after that, hindi na kami masyadong nakakapag-usap,” kuwento pa ng magaling na aktor.

Sa My 2 Mommies (directed by Eric Quizon) ay gaganap si Joem na boyfriend ng karakter ni Paolo Ballesteros. Sa The Impossible Dream (directed by Joven Tan) ay gagampanan naman niya ang batang Christopher de Leon.