• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Vitto Marquez nag-react sa isyung kahawig niya si Xander Ford

EXCLUSIVE: Vitto Marquez nag-react sa isyung kahawig niya si Xander Ford

Nagsalita din si Vitto Marquez kung meron ba siyang ‘dark secret’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/3/2018 10:19 AM
EXCLUSIVE: Vitto Marquez nag-react sa isyung kahawig niya si Xander Ford


Photo credit: @iamxanderford (R)/ @hashtag_vitto (L) on IG

 

Nagbigay ng reaksyon sa PUSH ang isa sa mga bida ng pelikulang Squad Goals na si Vitto Marquez tungkol sa isyung kahawig niya si Xander Ford.

Natatawang reaksyon ni Vitto nang makausap namin after ng Squad Goals presscon, “Aware ako don. Sabi nga, kamukha ko raw. Hahaha!”

Eh, anong reaksyon niya don?

“Anong reaksyon ko? Wala. I mean, at least, may time sila na tingnan yung photo ko and to like it. Thank you.

“Pero wala naman akong nakitang masamang comment. Wala naman. So, I’m still happy na nakikilala pa rin ako and wala tayong magagawa, eh. I mean, yon na yung tingin ng tao, ganun. And they have their own judgment naman, how I look like, so yon,” pahayag pa niya.

Balak din ba niyang magpa-enhance ng kahit ano sa katawan niya in the future?

“No, I’m proud of my skin and my everything. Siyempre, nanggaling yan sa nanay at tatay ko,” pagmamalaki pa niya.

Now that he is already making a name for himself at bida na rin sa pelikula, ano ba ang advice na binibigay ng parents niya on how to avoid intrigues?

“Kasi yung mga intriga kasi you can never avoid them. Dapat alam mo sarili mo kung ano yung tama. Lagi lang nilang sinasabi, kung ano yung tama yon dapat ang gawin ko. Tapos siyempre, believe in yourself.

“Kasi maraming puwedeng sabihin ang tao, pero nasa sa yo na yon kung masasaktan ka, and keep smiling,” paliwanag niya.

Wala ba siyang matatawag na “skeleton in the closet” na tulad ni Mark Herras, girlfriend ng kapatid niyang si Winwyn Marquez, na lumabas ang sex video kamakailan lang?

Aniya, “Naniniwala po kasi ako na ang artista, mga tao din lang po yan. And siguro, nagagamit po yung mga ganun dahil public figure na sila ngayon. Kung matagal na pala bakit pa ibabalik, di ba?

“Naniniwala ako na taon din lang ang artista and they have their own things na… may privacy din naman dapat.”

Gumagawa ba siya ng private video?

“Wala po akong ganun. Pero teka lang… Hahaha! Pero wala po… wala po. Wala pong ganun. Confident po ako diyan,” very confident din niyang pahayag sa PUSH.

Samantala, kasama ni Vitto sa Squad Goals na showing on May 9 sina Julian Trono, Andrew Muhlach, Dan Huschka at Jack Reid. The film is directed by Mark Meily mula sa Viva Films.