Bea Alonzo aminadong na-miss makatrabaho si Derek Ramsay

Matapos ang ilang taon, balik tambalan sina Bea Alonzo at Derek Ramsay sa isang pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/3/2018 11:45 AM
Bea Alonzo aminadong na-miss makatrabaho si Derek Ramsay


 

Looking forward si Bea Alonzo sa nalalapit na showing ng pagbabalik-tambalan nila ni Derek Ramsay sa pelikulang Kasal ng Star Cinema.

 

 

KASAL official poster ❤️

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

Ayon kay Bea, na-miss niya makatrabaho si Derek.

“Na-miss ko siya maka-eksena,” bungad ni Bea.

Aniya, nagkaroon sila ng tampuhan ng aktor noong lisanin nito ang kapamilya network.

“Nagtampo ako sa kanya when he left because we were in the middle of a shoot ng isang pelikula when he left. Siyempre nagtampo ako kasi hindi niya ako nasabihan nung time na yun. Inisip ko na, ‘Bakit? Co-actor mo ako. Hindi ko alam na tapos na ang pelikula natin?’” sabi pa ni Bea.

Sa ngayon, thankful siya na nag-reach out sa kanya noon si Derek para muling magkaayos ang kanilang pagkakaibigan.

“Kahit na bago pa siya bumalik, napag-usapan na namin yun dati. And parang kapag nakaka-eksena ko siya, parang di siya nawala. Parang nami miss ko makipag-eksena sa kanya. Tapos nung napanood ko ang teaser ng Kasal, parang nakaka-miss mapanood si Derek Ramsay sa isang Star Cinema movie,” sabi pa ni Bea.

“Habang nakaka-eksena ko siya andami niyang bago binigay and I’m very proud of him for that.”

Mapapanuod ang Kasal sa darating na May 16, 2018 sa direksyon ni Ruel S Bayani.