Pinoy, wagi sa 2018 Mr. Star Model Universe

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/29/2018 10:13 AM
Pinoy, wagi sa 2018 Mr. Star Model Universe


 

Wagi sa 2018 Mr. Star Model Universe ang 24-year-old Pinoy na si Mark Andrew Baron sa katatapos lang na pageant na ginanap sa Lima, Peru.

Si Mark Andrew ay graduate ng Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at isang guro sa San Rafael Technological and Vocational High School sa lungsod ng Navotas.

Hindi na bago si Mark sa mundo ng male pageant. Naging kinatawan na din si Mark noong 2015 sa Mr. Real Universe na ginanap naman sa Guayaquil, Ecuador.

Samantala, itinanghal naman bilang first runner up ang kandidato ng Peru at Second Runner up naman ang Mexico.