Anne Curtis, paano nga ba nagsimula maging K drama fan?

Anne Curtis, nagkuwento kung paano naging K drama fan

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/29/2018 9:23 AM
Anne Curtis, paano nga ba nagsimula maging K drama fan?


Photo credit to the owner (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Anne Curtis kung paano siya naging K-drama fan. “Kasi Erwan (Heussaff) and I talaga, every Sunday we do a movie night and while we were browsing Train to Busan came up. So habang nanunuod kami, nakatingin ako sa lead guy sabi ko, ‘He’s cute though.’ Sabi niya, ‘He’s okay.’ Ang ginawa ko ginoogle ko yung lead, si Gong Yoo yun.”

Matapos nun, nakita diumano ni Anne ang filmography ni Gong Yoo at, “so I researched and his last series was Goblin. I watched everything even yung series niya pinanuod ko lahat. After that I got hooked and then I learned more about the writers, the directors.” 

Matapos nun ani Anne, “Descendants of the Sun”  naman, which is the same writer and director as Goblin, na-in love na naman ako so nakilala ko naman duon si Song Joong-ki and si Song Hye-kyo. Sobrang na-in love na naman din ako sa kanila, tapos kinasal sila right before kinasal din kami ni Erwan so talagang happy na.”

Masayang kwento pa ni Anne, “Actually, Erwan and I were in Korea when they got married. Nagkataon lang talaga tapos sabi ko magtodo fangirl kaya ako tapos abang-abang.”