• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis on Erwan Heussaff: How much I could love him even more’

Anne Curtis on Erwan Heussaff: How much I could love him even more’

Anne Curtis, may discovery sa asawang si Erwan Heussaff

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/29/2018 5:45 PM
Anne Curtis on Erwan Heussaff: How much I could love him even more’


Photo credit: @erwan (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Anne Curtis kung ano ang biggest discovery niya kay Erwan Heussaff ngayong Mrs. Erwan Heussaff na siya. Ani Anne, “How much I could love him even more. Akala ko yun na yun, mas tumodo pa.”

Inamin din niya na sa anim na buwang pagsasama nila bilang mag-asawa ay nagkakainisan din sila. “Naiiwan niya yung isang sapatos niya. Ayan na nga lang yung kabinet e, so yung isa nakapasok, yung isa laging naiiwan. O kaya medyas ito yung hamper, yung isa shoot yung isa nandito. Hindi mo kayang pulutin? Hindi mo kayang i-shoot?”

Nang tanungin si Anne kung ano ang ginagawa kapag nangyayari ito, ginaya ni Anne kung paano niya tinatawag si Erwan, “Love! Love!”

Sinabi din ni Anne na siya ang in charge sa pag-ayos ng kwarto, paglinis ng banyo at sa pag-laundry. Habang pareho naman silang naka-toka sa pag-alaga ng pets nila. Si Erwan naman diumano ang taga-grocery. 

Nang sabihin ng host na si Boy Abunda na parang mas maraming ginagawa si Anne, ang masayang sagot ni Anne ay, “Oo nga no. Wala na kayong ibang dagdag diyan?”