• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, aminadong may kaba pa din tuwing may bagong pelikula

Anne Curtis, aminadong may kaba pa din tuwing may bagong pelikula

Present ang mga closest friends ni Anne Curtis para magbigay suporta sa kanyang pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/29/2018 10:24 AM
Anne Curtis, aminadong may kaba pa din tuwing may bagong pelikula


 

All smiles ang It’s Showtime host na si Anne Curtis sa naganap na special celebrity screening ng kanyang upcoming movie na Sid & Aya (Not A Love Story) kasama si Dingdong Dantes.

Aminado si Anne na kahit na matagal na siyang gumagawa ng pelikula ay present pa din ang kaba sa tuwing may bago siyang proyekto.

 

“Syempre kinakabahan as always before a new film. Sobra ako excited na mapanood ng buong buo ang kuwento ng Sid & Aya Not A Love Story.”

Bukod sa excitement sa kanyang pelikula, excited din na naibahagi ni Anne na happy siya ngayon sa resulta ng kanyang healthy lifestyle.

“Ang saya ng fitness journey ko, may time na ako ulit mag workout,” masayang pahayag ni Anne.

Aniya, hindi daw biro ang kanyang fitness routine ngayon at tuloy pa din daw siya sa pagtakbo.

“Gym. Pero di ko pa rin binibitawan ang running ko. Baka next year na ako mag-marathon ulit,” pahayag pa ni Anne.

Samanatala, present naman ang malalapit na kaibigan ni Anne na sina Raymond Gutierrez, Solenn Heussaff, Liz Uy at Vice Ganda sa screening.

Present din ang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera at kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis para magbigay suporta.

 

Mapapanuod ang Sid & Aya (Not A Love Story) ngayong May 30 sa direksyon ni Ayrin Villamor.