• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz di mapigilang ipagtanggol ang kanyang mga anak laban sa kritiko ng kanilang ama na si Cesar Montano

Sunshine Cruz di mapigilang ipagtanggol ang kanyang mga anak laban sa kritiko ng kanilang ama na si Cesar Montano

Amimado si Sunshine na naapektuhan ang kanyang mga anak sa isyu na kinakaharap ngayon ni Cesar Montano.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/28/2018 10:02 AM
Sunshine Cruz di mapigilang ipagtanggol ang kanyang mga anak laban sa kritiko ng kanilang ama na si Cesar Montano


Photo credit: @sunshinecruz718 on IG

 

Direchong sinagot ng aktres na si Sunshine Cruz ang kanyang mga naging pahayag sa kanyang Facebook post tungkol sa kanyang mga anak.

Read: Sunshine Cruz: ‘Nagta-trabaho ako ng maayos’ 

“Sabi ko nga, kung ako lang okay lang pero pagdating sa mga anak natin medyo pumipitik tayo,” sabi ng aktres.  

Ayon kay Sunshine, gusto lang niya linawin sa mga taong bumabatikos at nagbabato ng masasamang salita sa kanyang tatlong anak. 

“I just have people let to know na ultimo pagkain, damit, kotse ng anak ko, ako naman ang nag-provide para sa kanila,” sambit ni Sunshine.  

Hindi maitatangi ni Sunshine na bilang isang ina kailangan niyang protektahan ang kanyang mga anak at paliwanagan ang mga ito sa kinakaharap na isyu ng kanilang ama na si Cesar Montano sa Department of Tourism. 

“Kasi yung mga anak ko may controversy na naramdaman, sabi ko ‘anak there’s nothing to be ashamed of, you know it’s mom who buys, food, clothes and even your car’ sabi ko pa sa kanila ‘let’s just pray for him (Cesar Montano) he’s your father’ kaya masakit lang talaga sa ‘kin na yung mga anak ko nasasabihan ng mga ‘Dugo kayo ng magnanakaw.’ Siyempre naman they don’t deserve that masakit yun,” dagdag pa ni Sunshine. 

Paglilinaw din ni Sunshine, hindi niya intensyon na pag-usapan pa ang kanyang naging Facebook post.

“Pero konting explanation lang yun, actually it’s a private post for my friends and family lang eh, pero siyempre na pick up na din kasi. Minsan kailangan ilabas natin kasi masakit sa akin bilang ina talaga,” sabi pa nito. 

Gaya ni Sunshine apektado din daw ngayon si Theresa Loyzaga na ina naman ng isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga dahil sa mga mapanirang balita laban sa kanyang anak.

“Actually plano din namin magkita ni Theresa, kasi nasasaktan din siya. Ganun ata talaga kapag may mga controversial na mga issues (ang magulang) damay pati anak niya, si Diego damay din. Mga anak ko damay din masakit talaga para sa isang ina. In all fairness to Diego napakabait niya na bata,” sabi ni Sunshine.

Taong 2000 noong ikinasal si Sunshine kay Cesar at nagkaroon sila ng tatlong anak. 2013 naman sila naghiwalay dahil sa isyu ng pakikipagrelasyon ni Cesar sa modelong si Krista Miller. Taong 2014 naman ng nag-file ng annulment case si Sunshine.