• Home
  • Fresh Scoops
  • Showbiz personalities na nabiktima ng isang scam nagsama-sama para maghain ng kaso

Showbiz personalities na nabiktima ng isang scam nagsama-sama para maghain ng kaso

Naniniwala si Atty. Ferdinand Topacio na malakas ang kanilang laban sa suspek na si Kathy Dupaya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/28/2018 9:15 AM
Showbiz personalities na nabiktima ng isang scam nagsama-sama para maghain ng kaso



Kasama ang kanilang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, ibinahagi ng tatlo ang kanilang kuwento sa taong tumangay ng kanilang mga pera.

Ayon kay Sunshine, nadala siya sa matamis na dila ni Kathy kaya’t nag-invest siya ng halagang three million pesos sa pangakong negosyo nito.

“Actually hanggang maari gusto ko ito i-settle privately with her, but it’s really impossible and at the same time nang makilala ko ang iba pang nabiktima nya, parang kailangan lumabas ako para malaman ng ibang tao na may ganitong klase ng tao at may ganitong panloloko,” sabi ng aktres.  

Hindi naman din nalalayo ang kuwento ni Ynez, na natangayan naman ng halagang 250,000 pesos.

“Nangako siya sa akin ng February and March, na doon nya daw po ibibigay (ang pera) pero May na po tayo ngayon at hindi pa po niya natutupad. Ginawa niya na rin ako hulughulugan tapos eto na puro pagsisinungaling na rin,” sabi naman ni Ynez.

Ang businessman naman at showbiz personality na si Joel Cruz, 40 million pesos na halaga ng pera ang natangay sa pangakong investment.

Kuwento ni Joel, nakumbinsi din daw siya dahil sa sinabi nitong marami siyang negosyo sa Brunei at pagiging malapit umano nito sa royal family ng Brunei.

“Parang paniniwalain ka niya talaga na marami siyang negosyo na di niya kailangan itong 500,000 pesos. Lahat ng principal ko nasa 40 million plus,” pahayag ni Joel.  

Gaya ni Sunshine, Ynez at Joel, biktima din ni Kathy ang TV host-actress na si Dianne Medina. Sa ipinadala naman na text message ni Dianne kay Mario Dumaual ng ABS-CBN News, ibinahagi niya ang kanyang saloobin.

“This is heart breaking and disturbing for us all. I am still seeking legal advices on the said matter. I am hoping that everything will be cleared in the end. In Jesus' name,” sabi ni Dianne.  

Paliwanag naman ni Atty. Ferdinand Topacio, malakas ang nakikita niyang laban sa isinampa nilang kaso laban kay Kathy.

“Yung case po namin is swindling yung 2A ng Revised Penal Code. Ito’y misrepresentation and fraud. Panloloko ito eh, nakita ko naman seeing yung modus operandi basically yun ang case,” paliwanag ni Atty. Topacio. 

Sa text message naman ni Kathy kay Mario, ibinahagi nito ang kanyang panig sa mga akusasyon laban sa kanya.

“I acknowledge my debt to Mr. Joel Cruz. I was able to pay Mr. Cruz more than P17 million of this debt. He was charging me 1% a day on the balance and this caused his total demand on me to be as large as he says this debt is. I am in the process of securing a loan and am awaiting the processing. In my Viber conversation with Mr. Cruz, he agreed to wait on these loans I am securing against my properties. I fully intend to pay my debt to Mr. Cruz granted we come to reasonable terms and a humane computation on interests accrued.” 

Sa ngayon, umaasa si Sunshine, Ynez, Joel at iba pang personalidad at indibidwal na nag-invest kay Dupaya na mababawi pa nila ang kanilang mga pera.

Nasangkot na dati sa isang issue si Kathy nang akusahan niya ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na sinisiraan siya  at sinabi pang fake ang branded bag na iniregalo niya sa beauty queen. Naayos naman ang isyu ng dalawa sa isang pribadong paguusap.