• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Zyrus, Regine Tolentino, Darren Espanto at Riva Quenery bigay todo sa kani-kanilang mga concert

Jake Zyrus, Regine Tolentino, Darren Espanto at Riva Quenery bigay todo sa kani-kanilang mga concert

Back to back concerts ang naganap nitong weekend.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/28/2018 9:11 AM
Jake Zyrus, Regine Tolentino, Darren Espanto at Riva Quenery bigay todo sa kani-kanilang mga concert


Photo credit: @riva (L)

 

Dinagsa ng kani-kanilang fans ang sunod-sunod na concerts ng ilang local performers tulad nina Jake Zyrus, Regine Tolentino, Darren Espanto at Riva Quenery.

Una na sa listahan si Jake Zyrus sa kanyang Music & Me concert sa Skydome nitong nagdaan na May 25.

 

Ayon kay Jake handog niya ang Music & Me concert sa kanyang mga fans na hindi siya iniwan mula noon hanggang ngayon.

“Thank you so much po sa mga fans, sa mga bagong fans din na sumusuporta at nandito ngayon para manood. Hope you enjoyed the show,” mensahe ni Jake sa kayang mga taga-subaybay.  

Sabay naman ang dance concert ni Regine Tolentino na Ignite (na ginanap din sa Skydome) at Unstoppable concert ni Darren Espanto sa Kia Theater.  

Kuwento ni Regine ito na ang bunga ng kanyang paghahanda na handog niya para sa kanyang mga taga subaybay.

“This is the best time of my life, my strongest, my most sexiest and my most beautiful performance I prepared for everyone,” sambit ng aktres. 

Masaya din na ibinahagi ni Regine na naghahanda na siya para sa world tour ng kanyang concert.

Emosyonal naman ang singer performer na si Darren Espanto sa personal na pagdalo ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kanyang show. Dapat ay guest performer si Gary V sa concert ni Darren pero inoperahan ito sa puso a few weeks ago. 

 

 

My husband wasn’t feeling well today but he made it a point to go to the concert of this young man who gave such a beautiful dance tribute to him with his surprise guest our son Gab. Darren you truly are unstoppable. You have a beautiful voice and a pure spirit! Your performance was so good that Tito Gary stayed till the end ... congratulations and hope you had a very happy birthday celebration! God bless you and your talents! We are blessed to have been part of this concert! Tito Gary thought all he was doing was arranging your opening countdown at home. He didn’t know you had a special number for him! Direk Paolo surprised him!!! And you’re just like him! So many gifts! Dancing, singing, playing the piano, writing songs, playing percussions... you did it all! We are so proud of you! To God be the glory! Congratulations to the MCA Team and #TeamUnstoppable !!! 🙏🏻❤️ #darrenespanto 🕺#darrenunstoppable #garyvalenciano #paolovalenciano #gabvalenciano #mcamusic #darrenatics

A post shared by Angeli Pangilinan Valenciano (@angelipv) on

 

 

 

Hindi din nagpahuli ang Star Magic talent at former Girltrends member na si Riva Quenery sa kanyang RIVLogLive at the Skydome.

 

 

Riva Quenery during her concert at the Skydome, SM City North EDSA

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

 

 

 

 

Riva Quenery during her concert at the Skydome, SM City North EDSA

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

 

Present din ang malalapit na kaibigan ni Riva na sina Zeus Collins at Awra Briguela, na kakalabas lang sa ospital dahil sa operasyon sa kanyang appendix.