Derek Ramsay, may mala-paraisong secret hideaway sa Palawan

Derek Ramsay reveals his secret hideaway

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/28/2018 9:52 AM
Derek Ramsay, may mala-paraisong secret hideaway sa Palawan


 

Sa Rated K, nireveal ni Kasal leading man Derek Ramsay kung saan ang kanyang secret hideaway kapag gusto niyang mag-relax at magpahinga. 

Ito ay sa Binga, San Vicente, Palawan at mararating ito apat na oras mula sa Puerto Princesa. 

“It’s in the middle of nowhere. It took many years. Lot of crazy logistics, kahit saan ka sa bahay kita mo yung dagat,” kwento ni Derek. 

“Pwede ka mag-island hopping. I have my speed boat there. The house is facing west para kita mo yung sunset, di nakakasawa,” dagdag pa nito. 

Pumupunta si Derek dito tatlo hanggang limang beses lamang kasama ang mga mahal niya sa buhay sa loob ng isang taon. “It’s nice din that way kasi you look forward to it na di mo pagsasawaan.” 

Pagmamalaki ni Derek, “I’m so excited every time I’m going to go and fly to Palawan. I love nature.”