• Home
  • Fresh Scoops
  • Jon Lucas masaya sa resulta ng kanyang unang ‘investment’

Jon Lucas masaya sa resulta ng kanyang unang ‘investment’

The actor proudly shares what he has achieved on Instagram.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/27/2018 6:31 PM
Jon Lucas masaya sa resulta ng kanyang unang ‘investment’


Photo credits: @cklucas IG

 

Jon Lucas touched the hearts of many after sharing on Instagram that he already achieved his ‘first investment’ after his sister graduated from college recently.

“Kala niyo kung ano no, kala niyo siguro kotse o magandang bahay. Ito talaga yon! Siya! Yung tinapos niya! Eto yung sinasabi ng nanay/tatay ko lagi sa akin na pagtiyagaan ko, kasi ito talaga yung tunay na investment. 

“Totoo naman po, dahil hindi to matutumbasan ng kahit anong bagay sa mundo. Napakasaya ko dahil nakapagtapos ka na, sobrang proud na proud ako sa yo, kami ni Daddy! At syempre kung andito pa si mommy mas proud yon! Dahil siya yung nag-push noon lalo sa ‘kin na pagsikapan yung pag-aaral mo!” he began his post.  

Lastly he posted a special message for his mother, who passed away September of last year. 

“Kaya ayan na po mommy, sa awa at tulong po sa atin ng Ama, nakapagtapos na si baby girl natin! Sana masaya ka po, lalo na ikaw ang nagbayad ng last sem niya, kasi sobrang dami mong kaibigan at nagmamahal sa ‘yo na tumulong sa amin noon, ayun ginawa namin yung naipon namin na tulong yun po pinambayad namin para sa last sem niya! Kakatuwa po, Kahit nakahimlay kana noon, nakatulong ka pa rin po sa pamamagitan ng kabutihan na naiwan mo sa mga tao!”

 

1st Investment! Kala niyo kung ano noh, kala niyo siguro kotse o magandang bahay. Ito talaga yon! Siya! Yung tinapos niya! Eto yung sinasabi ng nanay/tatay ko lagi sa akin na pagtiyagaan ko, kasi ito talaga yung tunay na investment. totoo naman po, dahil Hindi to matutumbasan ng kahit anong bagay sa mundo. Napakasaya ko dahil nakapagtapos ka na, sobrang proud na proud ako sayo, kami ni daddy! at syempre kung andito pa si mommy mas proud yon! Dahil siya yung nagpush noon lalo sakin na pagsikapan yung pag-aaral mo! Kaya ayan na po mommy, sa awa at tulong po sa atin ng Ama, nakapagtapos na si baby girl natin! Sana masaya ka po, lalo na ikaw ang nagbayad ng Last sem niya, kasi Sobrang dami mong kaibigan at nagmamahal sayo na tumulong sa amin noon, ayun ginawa namin yung naipon namin na tulong yun po pinambayad namin para sa last sem niya! Kakatuwa po, Kahit nakahimlay kana noon nakatulong ka pa rin po sa pamamagitan ng kabutihan na naiwan mo sa mga tao! :) AT SYEMPRE! MARAMING MARAMING SALAMAT PO AMA! ❤️☝🏼🙏🏼 SAYO ANG LAHAT NG KAPURIHAN Maraming salamat po sa apat na taong patnubay sa Kapatid ko, marami mang pagsubok ang dumating sa amin, hindi mo po hinayaang manghina kami! Salamat po sa mga pagsamba na nagpapaalala samin parati kung paano haharapin ang kahirapan at kung paano magiging matatag na lingkod mo 🙂 pangako po na kahit anomang pagtatagumpay ang aming makamit, mas mananatili kaming mga tapat at tunay na Lingkod mo! 🙏🏼🇮🇹 Congratulations, Baby girl! ❤️

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon) on