Joel Cruz shares how his children changed his life

Aminado si Joel na napunan ng kanyang mga anak ang emptiness na kanyang nararamdaman.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/27/2018 6:02 PM
Joel Cruz shares how his children changed his life


Photo credits: @joelcruzaficionado IG

 

Hindi mai-paliwanag na kasiyahan ang nararamdaman ng business man na si Joel  Cruz habang nakikipag-chikahan ito sa entertainment press sa katatapos lang na first birthday party ng kanyang kambal na sina Baby Charles and Baby Charlotte.

Kuwento ni Joel, ibang iba ang saya na kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang kanyang mga anak. Ang “King of Scents” ay may tatlong pares ng kambal via in vitro fertilization o IVF. 

“Ibang iba kasi yung pakiramdam ng may anak ka, nung wala pa akong anak marami akong nararamdaman na emptiness sa buha,y parang may kulang pa,” bungad ni Joel. 

“Ang sarap-sarap din ng pakiramdam na andiyan ang mga anak ko, yayakap sa ‘kin ang lahat ng anim na ito, yung sabay-sabay na magtatanong ng kung ano-ano. Hindi ko talaga mapapalitan ang pakiramdam na ganito, na mahal na mahal ka ng anak mo,” dagdag pa ni Joel. 

Kuwento pa ni Joel, dahil sa pag kakaroon niya ng mga anak, nagbago din daw ang kanyang pananaw sa buhay nang tumatayo bilang isang ama at ina sa kanyang lumalagong pamilya.

“Akala ko lang noong una, wala akong lover gusto mayroon akong partner na pang matagalan, pero the moment na nagka-anak na ako, ibang iba na ang naging buhay ko,” sabi pa nito. 

“Alam namam ng lahat na I’m gay, minsan mayroon akong partner, lover. Pero minsan nag-doubt din ako na parang ‘totoo ba na mahal ako nito?’ ‘Yung ganun na pakiramdam pero sa anak ko talagang hundred percent, walang duda mahal na mahal nila talaga ako,” dagdag pa ni Joel. 

Sa ngayon, gusto pa ni Joel na madagdagan pa ang kanyang anim na anak.

 

 

First swimming of Daddy Joel with his 6 children.

A post shared by Joel Cruz (@joelcruzaficionado) on