• Home
  • Fresh Scoops
  • Paano sinulat ni Direk Ruel Bayani ang sikat na linya ni Maja Salvador sa ‘Wildflower’

Paano sinulat ni Direk Ruel Bayani ang sikat na linya ni Maja Salvador sa ‘Wildflower’

Ruel Bayani, may sikreto sa pagsusulat ng mga tumatatak na linya

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/26/2018 10:41 AM
Paano sinulat ni Direk Ruel Bayani ang sikat na linya ni Maja Salvador sa ‘Wildflower’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, pinuri ng host na si Boy Abunda si Direk Ruel Bayani para sa mga tumatatak na mga linya nito. 

Sinabi ni Direk Ruel na bago pa man siya maging producer at direktor ay isa na siyang writer at hanggang ngayon diumano ay bahagi ito ng pagkatao niya. 

Nagbahagi din siya ng kwento tungkol sa hit seryeng Wildflower, kung saan siya ang producer. Minessage diumano siya noon habang nami-meeting siya. “Parang kulang yung linya, sabi ko wait just give me five minutes. Then I wrote the line na, ‘Gold, just like gold, I am indestructible.’ Yung linya ni Maja (Salvador) sinulat ko yun sa gitna ng meeting. ‘Can you try this if this will work?’”

Matatandaan na isa sa mga tumatak na linya sa Wildflower ang naturang linya na galing kay Direk Ruel.

Dagdag pa niya, “Part yung ng lahat ng project ko. Whether yung pino-produce kong TV shows, or ginagawa kong pelikula. Just like dito sa Kasal, hindi magkaka-impact itong line na to ni Bea (Alonzo) pag marami siyang sinabi na katunog nito.”

Kaya diumano isa sa mga sikreto ni Direk Ruel sa pagsusulat ng mga tumatatak na linya niya ay, “so irereserve ko to sa scene na ‘to at pipigilan ko ang sarili ko kasi alam kong magkaka-impact siya exactly at the right time sa kwento. So it takes maturity to understand na nandun yung magic nun.”