• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel Rodriguez-Padilla ibinahagi ang challenges ng pagiging isang mommy

Mariel Rodriguez-Padilla ibinahagi ang challenges ng pagiging isang mommy

Handa din daw si Mariel Rodriguez-Padilla na pagdaaanan ang parehong sarkripisyo kung sakaling bibiyayaan ng second baby.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/26/2018 10:15 AM
Mariel Rodriguez-Padilla ibinahagi ang challenges ng pagiging isang mommy


Photo credits to @marieltpadilla IG

 

Aminado si Mariel Rodriguez na miss na miss niya ang buhay hosting at kaliwa’t kanan na schedule sa showbiz.

Sa panayam na ito ng entertainment press kay Mariel bilang bagong ambassador ng Marie France Clinic, bukod sa pagbabawas ng kanyang timbang, isa din daw sa pinaghahandaan niya ang pagiging isang working mom.

“It’s another chapter that I need to open in my life ang maging isang working mom,” bungad ni Mariel.

Aniya, inaaraal na nya ngayon kung paano ang mahiwalay sa kanilang anak ni Robin Padilla na si Baby Isabella.

“Hindi ko pa alam kung paano ko siya i-juggle, another thing that I’m going to have to learn kasi now I have a baby. Before, the whole time I was just working ganyan, ngayon paano ba yan ginagawa ng isang working mom,” sabi ni Mariel.

Kuwento ni Mariel na open siya ulit na magkaroon ng isa pang baby.

“If God gave me a chance for a second baby and pumayag si Robin for a second baby, why not?” masayang kuwento ni Mariel.

“Sana lang mas marami na akong milk (for second baby) and sabi nga nila pag second baby mas dumarami nga daw yung milk,” dagdag pa ni Mariel.

At nang tanungin naman kung willing siya na pagdaaan ulit ang parehong sakripisyo na kanyang na experience kay baby Isabella, aniya, “If it happens again..... Sana hindi na ako ganung kalaki. Ang hirap sagutin but I just pray and hope na sana hindi na ako ganung kalaki talaga.”