Direk Ruek Bayani, pinuri si Bea Alonzo at Derek Ramsay

Direk Ruel Bayani, inaming pinabayaan niya sina Bea Alonzo at Derek Ramsay sa ibang eksena.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/26/2018 10:37 AM
Direk Ruek Bayani, pinuri si Bea Alonzo at Derek Ramsay


 

Sa Tonight with Boy Abunda, natanong ang direktor ng Kasal na si Ruel Bayani kung ano ang bentahe sa pagkakaroon ng mga artista katulad nina Bea Alonzo at Derek Ramsay. Aniya, “These actors, hindi lang nila kayang magsulat ng linya nila, kaya nilang idirek ang sarili nila, kaya nilang idirek ang co-star nila. Wag niyo pong isipin na tinatamad lang ako kaya pinagagawa ko sa kanila. Hindi, I want them to be proactive, to be involved in all aspects.”

Sa isang eksena kung saan involved si Derek, sinabi ni Derek na, “Ewan ko kung may lalabas na director’s cut, pero yung boxer shorts just went all the way down.” Pagbibiro pa ng sexy actor, “Wag niyong kalimutan yung TF ng butt ko.” 

Meron ding eksena kung saan pinabayaan naman ni Direk Ruel mag-shine ang creativity ni Bea. “She wrote the monologue and she did it in take one. Kaya nagagawa yun e, kasi salita na niya yun e. Galing na sa puso niya yun e. So talagang mate-take one niya ng ganun kahusay.”