• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz: ‘Nagtatrabaho ako nang maayos at nagpupursige para sa mga anak ko’

Sunshine Cruz: ‘Nagtatrabaho ako nang maayos at nagpupursige para sa mga anak ko’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/25/2018 9:25 AM
Sunshine Cruz: ‘Nagtatrabaho ako nang maayos at nagpupursige para sa mga anak ko’


Photo credit: @sunshinecruz718 on IG

 

Tila hindi nagustuhan ni Sunshine Cruz ang comment ng isang netizen sa isang news portal kung saan pinaratangan nito ang aktres.

Sa Facebook post ni Sunshine, ibinahagi nito ang kanyang saloobin tungkol sa paratang na ito.

“People are now questioning the food we eat and clothes my children wear because of a person who we/they don’t get to see anymore. I told my kids not to be embarrassed kasi pagkain, damit ultimo sasakyan nyo ako ang bumili para sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at nagpupursige para sa mga anak ko. Kung may kasalanan sa inyo ang ibang tao, don’t involve other people especially my children. Mula 2013 nagawa kong magtrabaho at buhayin ang mga anak ko sa maayos na paraan at pagtatrabaho ng maayos bilang artista,” pahayag ni Sunshine sa kanyang Facebook account.

Si Sunshine ang dating asawa ni Cesar Montano na kabibitiw lang bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board ng Department of Tourism at inimbestigahan ngayon dahil sa diumanong katiwalian.

Taong 2000 noong ikinasal si Sunshine kay Cesar at nagkaroon sila ng tatlong anak. 2013 naman sila naghiwalay dahil sa isyu ng pakikipagrelasyon ni Cesar sa modelong si Krista Miller. Taong 2014 naman ng nag-file ng annulment case si Sunshine.