• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto on FAMAS nomination as best actress: ‘I am most grateful and very honored’

Julia Barretto on FAMAS nomination as best actress: ‘I am most grateful and very honored’

Malaking inspirasyon para kay Julia Barretto ang maihilera sa ibang magagaling na aktres.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/25/2018 9:32 AM
Julia Barretto on FAMAS nomination as best actress: ‘I am most grateful and very honored’


Photo credit: @juliabarretto on IG

 

Dumalo sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa FAMAS Nominees Victory Party na ginanap sa Victorino’s Restaurant noong Martes, May 22. Nominado si Julia as best actress at si Joshua naman bilang best actor sa pelikulang Love You To The Stars and Back ng Star Cinema.

Kabilang sina Joshua at Julia sa mahigit 100 na nominado para sa 66th FAMAS Awards sa taong ito.

Kitang-kita kung gaano ka-proud si Julia sa first ever nomination niya sa FAMAS. Makakalaban niya ang ilan sa mga beteranong aktres para sa naturang kategorya.

“More than anything, I am most grateful and very, very honored to be nominated alongside really, really amazing actresses.

“I am thankful for the opportunity to be nominated. To be nominated alone is just like winning an award,” pahayag pa niya.

Isang malaking inspirasyon din daw para sa kanya ang maihilera sa ibang magagaling na aktres.

“This nomination will serve as an inspiration for me to be better in my craft,” sey pa ng rumored girlfriend ni Joshua.

Nagpasalamat naman si Julia sa mga supporters nila ni Joshua na patuloy na nagmamahal sa kanilang tambalan.

“Utang namin ito, kung anuman ang kinatatayuan namin, sa mga fans at sa mga taong sumsuporta sa amin, lalo na sa Joshlia. Sana suportahan pa nila kami sa iba naming journey,” she said.

Ang 66th FAMAS ay isang produksyon ng Megavision sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines. Gaganapin ang kanilang awards night on June 10 sa The Theatre ng Solaire.

Ang kasalukuyang pangulo ng FAMAS ay si Francia Conrado. Ang premyadong manunulat naman na si Ricky Lee ang head ng independent jury. Together with critics, educators, and practitioners, sila ang namili ng mga nominado at pipili rin kung sino ang karapat-dapat mananalo sa June 10.