• Home
  • Fresh Scoops
  • Joel Cruz, nagsampa ng kasong estafa laban sa Brunei-based businesswoman

Joel Cruz, nagsampa ng kasong estafa laban sa Brunei-based businesswoman

Joel Cruz at iba pang mga artista, nabiktima ng isang scam?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/25/2018 1:35 PM
Joel Cruz, nagsampa ng kasong estafa laban sa Brunei-based businesswoman


 

Sa TV Patrol, nagsampa ng kasong swindling o estafa ang perfume businessman na si Joel Cruz laban sa isang Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya. 

Ani Joel, “Starting December 5, 2017 up to now, wala na siyang binibigay na interest na promise niya na may 6 percent interest doon... Nasa mga 40 million pesos na lahat-lahat.”

Nag-cause di umano ito ng depression kay Joel. “I got depressed. Sa sarili ko ako nasasaktan na after all ng lahat ng nagawa ko, kung nasaan na ako ngayon, na lolokohin lang ako ng isang tao. Masakit lang sa akin na, alam ko marami tayong OFW na kapatid, kababayan, na nanloloko.”

Kasama rin sa mga artistang may investment sa negosyo ni Kathelyn sina Diane Medina, 
Sunshine Cruz at Ynez Veneracion. Ayon kay Ynez, “Feeling ko po, at feeling po naming lahat, na-scam kami. Gusto ko na lang makapag-ingat yung iba, para hindi sila maging biktima din.” 

Sa mensahe naman ni Kathelyn, sinabi nito na wala siyang balak takbuhan si Joel. Mahal daw kasi ang interes na ipinataw ni Joel at gumagawa na siya ng paraan para mabayaran ito.