Jake Zyrus pumalag sa mga bully sa social media

Jake Zyrus bukas din sa posibilidad na muling pagkikita nila ni Celine Dion.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/25/2018 9:55 AM
Jake Zyrus pumalag sa mga bully sa social media


Photo credit: @jakezyrusmusic on IG

 

Aminado ang singer-performer na si Jake Zyrus na isa siya sa mga paboritong personality na gawan ng ‘Memes’ o mga nakatatawang fan art ng mga netizen sa social media.

Ayon kay Jake, sanay na siya sa pambu-bully na ito bilang parte ng kanyang mundong ginagawalan sa showbiz. Pero pakiusap ni Jake na mabasawan na din sana ang mga ito.

“I hope that they do it less kasi di lang naman sa akin eh. Depressing ang bullying. For me, ang pinaka main issue right now I hope that people realize now if it makes you laugh, fine! But I hope na mas maging wise din tayo creating those memes na makaka-apekto sa ibang tao,” sabi ni Jake.

At ngayong muli siyang sasampa sa concert stage para sa kanyang Music & Me show, mas matapang daw ngayon si Jake na harapin ang mga nagiging batikos laban sa kanya.

Sinagot din ni Jake ang mga lumalait sa maliit na venue ng kanyang concert ngayon. Ayon kay Jake hindi ito mahalaga sa kanya.

“For how many years na nagpe-perform ako, hindi lagi nagma-matter kung ano size ng venue at gaano karami ang manonood. And sa lahat ng pinagdaanan ko parang at the end of the day parang hindi pala doon magma-matter yun kasi minsan sobrang laki nga ng venue mo parang di mo naman ma feel ang crowd, wala din,” paliwanag ni Jake.

Bukas din daw si Jake sa posibilidad na muli niyang makasama ang international singer na Celine Dion na mag ko-concert sa Pilipinas ngayong July.

“Sa singing kung mabigyan ng opportunity of course! Yes, I won’t say no of course. Kung manonood depende kung mabigyan ng ticket kasi ang mahal ng ticket eh (Laughs),” pagbibirong pahayag ni Jake.

Magaganap ang Music & Me Concert ni Jake Zyrus ngayong May 25 sa Sky Dome ng SM North Edsa.