• Home
  • Fresh Scoops
  • Daryl Ong, inamin na mahigit isang taon na ang relasyon nila ng singer na si Dea Formilleza

Daryl Ong, inamin na mahigit isang taon na ang relasyon nila ng singer na si Dea Formilleza

Daryl Ong, nagkwento tungkol sa first international single na “Stop My Heart.”

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/25/2018 2:44 PM
Daryl Ong, inamin na mahigit isang taon na ang relasyon nila ng singer na si Dea Formilleza


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ng singer na si Daryl Ong na na-overwhelm siya at nape-pressure sa titulo niya bilang, “Asia’s Top Balladeer.” Aniya, “Naisip ko yung skill level ko competent with, hindi lang pam-Pilipinas, kundi sa ibang singers pa sa Asia.” 

Kasabay naman ng pressure ay, “Mas naging masipag ako mag-practice ulit,” ani Daryl. 

Inamin din niya na girlfriend niya ang singer na si Dea Formilleza at mahigit isang taon na ang relationship nila.

Inamin din ni Daryl na hindi pa nagkakakilala si Dea at ang anak niyang si Dwayne. “Hindi pa sila nagkikita. Aaminin ko medyo takot ako for Dwayne. I don’t know how I would feel if ever ako yung nasa sitwasyon nung...” 

Nirelease na rin ang first international single ni Daryl na “Stop My Heart” sa Korea. Aniya, nagustuhan ng isang Korean singer at producer ang kanyang English version ng theme song ng Goblin na “Beautiful,” at ito ang nagbigay daan para sa kantang “Stop My Heart.”