• Home
  • Fresh Scoops
  • Atom Araullo feels lucky to star in ‘Citizen Jake’: ‘Nabigyan ako ng pambihirang pagkakataon’

Atom Araullo feels lucky to star in ‘Citizen Jake’: ‘Nabigyan ako ng pambihirang pagkakataon’

Atom Araullo feels lucky to star in ‘Citizen Jake’: ‘Nabigyan ako ng pambihirang pagkakataon’

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

5/25/2018 9:39 AM
Atom Araullo feels lucky to star in ‘Citizen Jake’: ‘Nabigyan ako ng pambihirang pagkakataon’


 

Apart from playing the title role in director Mike De Leon’s latest film after almost two decades, Atom Araullo also got the chance to work on the project even off camera, even sharing screenwriting credit with the veteran director. “Nabigyan ako ng pambihirang pagkakataon na maging bahagi ng Citizen Jake. Palagay ko ang Citizen Jake is the latest in a series of actions that we need to do and I have no illusion that this is just starting now. Yung ating struggle para magkaroon ng mas magandang hinaharap, dekada na yan. Actually daang taon na yan. But we have to keep on punching ika nga. We have to keep on struggling. It is a daily decision to do something, to do anything. To use our talents and to use our time and effort to serve the country,” Atom shared during the Citizen Jake special screening held last May 22 in Quezon city. 

After the event, Atom addressed the audience composed mostly of media and people from the academic sector about the importance of making a film like Citizen Jake. “Ako ay tulad nating lahat, isang produkto ng ating mga karanasan at pinanggalingan. At lahat ng mga karanasan na yun at desisyon ay dinala ako sa pagkakataong ito na nasa harapan ninyo, bahagi ng isang pelikula na palagay ko ay mahalagang mapanuod ng mga kababayan natin. Tulad din ng marami sa ating mga kababayan, nararamdaman ko yung frustration, yung kawalan ng pag-asa minsan, nararamdaman ko yung galit, nararamadaman ko yung, ‘Gusto ko na lang umalis ng Pilipinas. Ang hirap mahalin ng Pilipinas. Nagpunta ako sa ibang bansa. Bakit on time yung mga tren nila dito? Bakit lahat ng kailangan ko nasa grocery? Bakit kapag naiwan ko yung cellphone ko sa isang tindahan puwede ko pa balikan dahil walang kukuha?’ Nakaka-frustrate. At itong mga karanasan na ito ay nagbubunga ng mga tanong. Ano ba ang kulang sa atin bakit hindi tayo makaalpas sa ganitong klaseng burak? Sabihin na natin na quagmire, para tayong nasa kumunoy. Marami sa mga tanong na yan ay nasagot ko sa aking karanasan bilang lider estudyante at lalong lalo na nung ako ay nagtrabaho bilang isang mamahayag,” he explained.

Atom hopes that everyone who watches the film may be provoked to think deeper about what they can do to make the country better. “Ang masasabi ko lang lahat tayo ay mga political creatures. Lahat tayo ay may mga paninindigan, lahat tayo ay may pananaw. At kailangan natin gamitin ang ating talento, ang ating competency, kung saan man tayo natuto, ano man ang ating pinanggalingan at yun ang ating iaambag. Para saan? Para sa mas mabuting kinabukasan, hindi lamang ng aking sarili, ng aking mga kamag-anak. Kasi madalas dun tayo natitigil eh. We pursue a better future for ourselves and for our family and f*ck the rest di ba? But it doesn’t end there. Kailangan natin isipin kung paano ba ang puwedeng gumawa ng marka? Sa aking komunidad unang una at sa mas malawak na sambayanan sa mga Filipino,” he said.

In Citizen Jake, Atom plays the role of a journalist turned controversial blogger who wants to escape the heavy shadow cast by his politically dirty family.

At bilang isang mamahayag, patuloy ang ganung klaseng struggle, na gumawa ng mga istorya na magkakaroon ng impact sa buhay ng ating mga kababayan. Pero dapat sa mga ups and downs ay malinaw sa atin kung ano yung ating purpose. At ito yung ating ambag, isa itong daily decision. And that is the challenge, to learn about all of these problems and why there are not just happening now and why they are not connected to personalities but rather the structure of society and why we have to change it and why we have to do it little by little. And Citizen Jake is a small contribution towards that end,” he added.