• Home
  • Fresh Scoops
  • Sino ang nagbansag kay Hajji Alejandro ng ‘Kilabot ng Kolehiyala’?

Sino ang nagbansag kay Hajji Alejandro ng ‘Kilabot ng Kolehiyala’?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/24/2018 9:25 AM
Sino ang nagbansag kay Hajji Alejandro ng ‘Kilabot ng Kolehiyala’?


 

45 years na sa music industry ang original na kilabot ng kolehiyala na si Hajji Alejandro.

Dito, muling binalikan ni Hajji ang kuwento kung paano niya nakuha ang titulo na ito na malaki ang kinalaman ng TV personality at Umagang Kay Ganda host na si Ariel Ureta.

“Iyung mga unang concerts ko were done in colleges and universities and in one of the beauty pageants, if I remember correctly si Ariel Ureta that time he used to host all the major events that time. Siya at si June Keithley at that time introduced me as kilabot ng kolehiyala and then the DJs picked up on it,” kuwento ni Hajji.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Hajji sa title na binigay sa kanya ng kaibigan na si Ariel.

“Kumpare ko yun. He’s a very dear friend and utang ko sa kanya yun yung monicker na yun,” sabi pa ng veteran singer.

Thankful din si Hajji na sa kabila ng mga bagong sikat na awitin ay naririnig pa rin hanggang sa ngayon ang kanyang classic hits gaya ng “Nakapagtataka”, “Panakip Bukas”, at “Kay Ganda Ng Ating Musika”.

“I’m really thankful na to this day, pinatutugtog pa rin ng radio stations marami kasi radio stations naging retro eh, ‘di ba?” pahayag pa ng singer.

Magaganap ang Hajji, Ako at Ang Aking Musika sa darating na June 23, sa The Theater ng Solaire.