• Home
  • Fresh Scoops
  • Paul Salas, kinastigo ng ama at bagong manager sa pagiging OA kay Barbie Imperial

Paul Salas, kinastigo ng ama at bagong manager sa pagiging OA kay Barbie Imperial

Aniya, “Totoo, inaamin ko, mali ko po ‘yun, kasi masyado akong na-carried away.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/24/2018 2:25 PM
Paul Salas, kinastigo ng ama at bagong manager sa pagiging OA kay Barbie Imperial


Photo credit: @PaulAndreSalas on twitter

 

Ayon kay Paul Salas, who is now under new management (PPL Entertainment ni Perry Lansigan na humahawak din ng career ni Dingdong Dantes), kinastigo siya ng amang si Jim Salas at ng bagong manager dahil sa kontrobersyal na tweet niya noon para sa mga reporters.

Matatandaang naging harsh ang reaksyon ni Paul sa mga press na nagtanong noon kay Barbie kung totoong ayaw sa kanya ng parents nito.

Kuwento ng binata, na-realize raw niya ang pagkakamali at nagsisisi rin siya sa ginawa.

Aniya, “Totoo, inaamin ko, mali ko po ‘yun, kasi masyado akong na-carried away. And naisip ng lahat, baka minumura ko lahat ng reporters, hindi naman po.”

Hindi raw niya kasi napigilang maawa kay Barbie dahil ang pakiramdam niya ay masyado na itong ginigisa ng press.

“Nagalit sa akin lahat nu’n. Nagalit ang daddy ko (Jim Salas). Hindi raw ako professional. Si Sir Perry, kinausap din ako, sinabihan po ako,” pahayag pa niya.

May lesson naman daw siyang natutunan sa nangyari.

“Ang natutunan ko po, huwag masyadong magpapapekto. Huwag masyadong OA. Kasi naging OA ako nu’n, eh.

“Na-carried away talaga ako. And sorry, humihingi ako ng pasensiya sa nasabihan ko ng ganu’n,” sambit niyang nagsusumamo.

Samantala, aminado si Paul na naging mahirap sa kanya ang lumipat ng bagong management at umalis sa Star Magic.

“Kasi, parang naging bahay ko na rin yun. Doon ako lumaki sa ABS. With PPL naman po, nakita ko po sina Tito Dingdong kung gaano nila trinust si Tito Perry, at nakita kong maganda yung career nilang lahat.

“So, naisip ko na kay Tito Perry na talaga ako papahawak. No doubt na, hindi na ako nag-isip kung kanino pang manager,” kuwento niya.

Wala naman daw siyang tampo sa ABS-CBN kung bakit siya umalis.

“Graceful exit naman. At saka, marami na rin po akong naging close dun, mga handlers kasi ang tagal na rin po. Simula bata ako, naabutan na nila akong lumaki dun. Wala naman pong problema. Nagpaalam naman ako nang maayos.

"‘Wala naman po akong tampo. Passion ko po talaga ang pag-acting. Yung mata-try ko ang iba’t ibang role. Kaso, medyo nagkulang lang dun sa ABS dahil hindi rin ako naka-teleserye ng ilang years.

“Pero masaya ako dahil nagge-guesting-guesting din ako sa MMK nila. Pero for a change na rin talaga,” huling pahayag ni Paul.