• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino sinorpresa si Mayor Herbert sa kanyang post birthday party

Kris Aquino sinorpresa si Mayor Herbert sa kanyang post birthday party

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/24/2018 8:10 AM
Kris Aquino sinorpresa si Mayor Herbert sa kanyang post birthday party


 

Muli na namang nakitang magkasama kagabi (May 23) sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista. 

Kung last week ay spotted silang nanonood ng pelikulang Kasal ni Bea Alonzo sa isang sinehan sa Quezon City, kagabi naman ay nasa isang resto bar ang dalawa sa may Scout Rallos.

Sumugod ang Queen of All Media bandang 9:30 kagabi sa ginanap na surprise birthday party kay Mayor Bistek ng kanyag mga high school friends. Nabalitaan ni Kris na malapit lang ito sa location ng syuting niya ng pelikula kaya hindi siya nagdalawang isip na sorpresahin ang mayor.

Actually, post birthday celebration na ito for Bistek’s para sa kanyang 50th year on May 12.

Anyway, saglit na nagpaalam si Kris sa syuting ng Star Cinema movie na "I Love You, Hater" nung nagpapalit na ito ng set-up at pinayagan naman siya. 

Dumiretso agad sa resto bar si Kris at nag-hello sa mga bisita ni Mayor Bistek.
Of course, marami ang nagulat at natuwa sa pagdating ni Kris sa post birthday party ng mayor.

Hindi rin naiwasang makantyawan si Bistek ng ilan sa kanyang mga kaibigan dahil sa biglang pagsulpot ni Kris.

After ng photo op at saglit na tsikahan ay umalis rin agad si Kris sa venue para bumalik sa syuting ng kanyang movie. 

Ayon kay Kris, walang masama kung madalas man silang makitang magkasama ni Mayor Herbert dahil magkaibigan naman sila. Nauna na rin niyang itinanggi ang balitang muli siyang nililigawan ng actor-politician.