• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, ibinahagi ang paghanga ni Bimby kay Julia Barretto

Kris Aquino, ibinahagi ang paghanga ni Bimby kay Julia Barretto

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/24/2018 3:15 PM
Kris Aquino, ibinahagi ang paghanga ni Bimby kay Julia Barretto


Photo credit: @krisaquino on IG

 

Sa naganap na pictorial ni Kris Aquino para sa “I Love You Hater” na kanyang pagbabalik pelikula, proud si Kris na ikinuwento ang matataas na grades ni Bimby na kanyang ipinagmalaki sa social media account.

Kuwento ni Kris, bilin niya sa anak na tutukan nito ang kanyang edukasyon.

“I really have to tell him all the time na you really have to do well in school. What were doing right now is not forever. Don't waste your brains," sabi ni Kris. 

Kita rin ang closeness ng nagbabalik pelikula na sina Joshua Garcia at Julia Barretto at isang sorpresa rin ang regalo ni Kris sa tandem kapag kumita ang kanilang proyekto.

“They told me na they have a bucket list together. Sinabi nila na pupunta sila ng New York kasi dream talaga daw nila ‘yun. So sinabi ko ‘yung New York na ‘yan basta mag-hit tayo, sagot ko na si New York!” ani Kris.

Trivia pa nito, love na love rin daw ng kanyang mga anak ang tandem nina Joshua at Julia.

“My two sons love them especially Bimb, na balak agawin si Julia kay Joshua. Oo, sinasabi niya na eleven so in ten years, Ate Julia will only be, ‘oh it’s ok ten years from now you’ll be 31’ and then he will be 21. Pwede daw yun so mahahabol pa raw niya,” masayang pahayag ni Kris.

Ipapalabas ang “I Love You Hater” ngayong June sa ilalim ng Star Cinema.