• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto on not being nominated for the 2018 URIAN awards: ‘I would rather just respect their decision’

Julia Barretto on not being nominated for the 2018 URIAN awards: ‘I would rather just respect their decision’

Julia Barretto at Joshua Garcia, masaya sa nominasyon para sa FAMAS awards

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/24/2018 10:00 AM
Julia Barretto on not being nominated for the 2018 URIAN awards: ‘I would rather just respect their decision’


 

Sa ulat ng TV Patrol, masayang-masaya sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa nomination na natanggap nila para 66th FAMAS awards. Ani Julia, “Gusto namin magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa amin na siyempre naging isa sa mga rason kung bakit kinatatayuan namin yung kinatatayuan namin ngayon.” Ayon naman kay Joshua, “Lalo naman yung mga kasama namin, yun pa lang parang panalo na kami.”

Isang malaking karangalan din daw ito para sa kanila na mapahanay sa pangalan ng mga beteranong aktor. 

Hindi rin nila kwinestyon ang hindi nila pagkaka-nominado para sa 2018 URIAN acting awards. “I would rather just respect their decision. We’ll just be thankful for it. We feel like we’ve been very blessed to be complaining in the first place,” paliwanag ni Julia. Para naman kay Joshua naman, “Siguro hindi pa namin time. Siguro next year malay mo di ba?”