• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang pelikula at music collaboration, nakatakdang gawin ng MarNigo tandem

Isang pelikula at music collaboration, nakatakdang gawin ng MarNigo tandem

Iñigo Pascual, aminadong naglevel up ang samahan nila ni Maris Racal.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/24/2018 2:17 PM
Isang pelikula at music collaboration, nakatakdang gawin ng MarNigo tandem


 

Mula sa katatapos lang na fan meet with Kapamilya love teams nitong weekend, all smiles si Iñigo Pascual habang ikinu-kuwento ang overwhelming experience na pakikipagbonding niya sa MarNigo fans na all-out ang suporta para sa kanila ni Maris Racal.

Sa panayam na ito, hindi itinanggi ni Iñigo ang mga naglabasan na balita tungkol sa mas sweet na samahan nila ni Maris na umaabot na sa pagbibitaw ng palitan na ng "I love you" sa isa’t isa.

“Yes, we had a fan meet ni Maris noong weekend. Yes, I said 'I love you' to her and she said ‘I love you too’ and I don’t think it’s a bad thing, it’s okay to love people and to share your love to people. I don’t see anything wrong with it,” bungad ni Iñigo. 

Nang tanungin naman siya sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ito ang kanyang naging sagot.

“I’m not saying we’re together because we’re focused on so many things. The thing is, we know we are enjoying our lives and we are literally on cloud nine right now and we are very happy ng sobra sa dami ng blessings,” sabi pa ng binata.

No issue din daw sa pamilya niya kung nagiging mas sweet na sila ni Maris. Aniya, nasa proseso sila ng getting to know each other stage.

“I think so, it’s a personal thing din naman, but of course, she’s very familiar naman with my family, we’re not saying na we’re together. And the thing is, we just have to know each other a lot more before going into another level, and we are," paliwanag niya.

Masaya rin ibinahagi ni Iñigo ang unang pelikula na pagsasamahan nila ni Maris na kasalukuyan na raw nagsisimula ang pagtaping.

“Our first movie together it’s called Millennial (working title) under N2 and Spring Films production. Masaya ako kasi masaya lang ang set namin, sobrang positive lang and sobrang (funny) lang, it’s a comedy movie so kakaiba, hindi siya romantic lang," aniya.

Bukod sa pelikula, isang trendy music collaboration din ang pagsasamahan ni Maris at Iñigo na ayon sa actor-singer ay reflection ng kanilang relasyon ngayon.

“We have a collaboration that we wrote. Sinulat namin parehas yun, it’s called Tayo Na, 'Di’Tayo so I’m pretty sure maraming makaka-relate what the song is about. 'Di mo alam kung kayo ba or kung gumalaw kayo parang kayo pero ano ba talagang meron," pahayag ni Iñigo.

Isa si Iñigo sa mga special guests sa Music & Me concert ni Jake Zyrus ngayong May 25 sa Skydome ng SM City North Edsa.