• Home
  • Fresh Scoops
  • FAMAS president explains why Vice Ganda is the recipient of the Dolphy Memorial award

FAMAS president explains why Vice Ganda is the recipient of the Dolphy Memorial award

FAMAS pinagtanggol ang pagbigay ng recognition kay Vice Ganda

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/24/2018 10:03 AM
FAMAS president explains why Vice Ganda is the recipient of the Dolphy Memorial award


 

Sa ulat ng TV Patrol, sumagot na ang pamunuan ng FAMAS awards matapos kwestiyunin ng isang kolumnista ang pagkakapili kay Vice Ganda bilang Dolphy Memorial Awardee para sa 66th FAMAS awards.

Ayon sa FAMAS president na si Francia Conrado, “Siya po talaga ang unanimous choice. The Quizon family also conformed, pati si Eric Quizon and mga kapatid niya. Ang issue kasi nila why not Vic Sotto? Tito, Vic, and Joey naman po is the Lifetime Achievement Awardee na of FAMAS three years ago. Sana naman irespeto na lang natin.”

Matatandaan na sinagot din ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account ang kolumnista na kumukwestiyon ng recognition na ibinibigay sa kanya ng FAMAS. 

June 10 gaganapin ang FAMAS awards night at mapapanuod ito sa ABS-CBN.