• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz, aminadong masarap magkaroon ng isang Piolo Pascual sa trabaho

Arci Muñoz, aminadong masarap magkaroon ng isang Piolo Pascual sa trabaho

Si Arci ang love interest ni Piolo Pascual sa hit primetime telesere na Since I Found You.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/24/2018 3:36 PM
Arci Muñoz, aminadong masarap magkaroon ng isang Piolo Pascual sa trabaho


Photo credit: @ramonathornes on IG

 

Isa ang Kapamilya star na si Arci Muñoz sa kinaiinggitan ngayon sa kanyang papel bilang si Dani sa hit primetime telerserye na Since I Found You.

Si Arci ang love Interest ng Kapamilya hunk na si Piolo Pascual na gumaganap naman bilang si Nathan kaya naman aminado si Arci na hindi niya maiwasan na hindi kiligin kay Papa P.

“Hindi naman ako nagtataka kasi kahit naman sino kung iba rin ang gumaganap as Dani marami din naman ang maiinggit sa kanya," bungad ni Arci.

Pagbibiro pa raw niya kay Piolo na ipapamigay niya na lang ang aktor para hindi siya kulitin ng mga fans as social media.

“Sinasabi ko nga kay Papa P, buti na lang sawa na ako sa iyo (laughs). Sige ipamimigay na kita, sabi (niya) 'Sige ipamigay mo na ako inaaway ka na ng tao.' Sabi pa nila, sana daw sila si Dani, minsan gusto ko sagutin na ‘Oo naman masarap talaga magkaroon ng Papa P, iba talaga siya!” pagbibiro ni Arci.

Nagpatikim naman ang aktres sa mga aabangan na pasabog sa Since I Found You.

“Nako, ngayon kasi nag break kami hindi ko pa alam kung ano mangyayari (laughs). Abangan na lang nila kahit ako di ko pa alam eh!" pahayag niya.