• Home
  • Fresh Scoops
  • Amy Perez, nabasagan ng ngipin matapos aksidenteng masiko ni Ryan Bang

Amy Perez, nabasagan ng ngipin matapos aksidenteng masiko ni Ryan Bang

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/24/2018 7:34 PM
Amy Perez, nabasagan ng ngipin matapos aksidenteng masiko ni Ryan Bang


Photos credit to @amypcastillo IG

 

Pinasalamatan ni Amy Perez ang kanyang dentista sa programang Umagang Kay Ganda dahil nabasag ang kanyang ngipin matapos aksidenteng masiko ni Ryan Bang ito. 

 

"Nananahimik ako sa tabi niya, nakatayo ako, tinamaan, tumama po talaga ang mic sa ipin ko," aniya.

Nilinaw naman niya na hindi ito sinasadya ni Ryan at maayos sila ng kanyang It’s Showtime co-host.

"Hindi naman sinasadya ni Ryan. Nakakatawa si Ryan, nag-sorry po siya sa akin, mga Kapamilya, sa lahat ng plataporma: sa text, sa Instagram, sa tweet, pati sa plataporma de gobyerno. Kulang na lang po talaga lumubog 'yung bata sa lupa. I love you, Ryan Bang. Hindi naman sinasadya.”

“Okay na po ang lahat, naayos naman, nagawan ng paraan... at sa lahat ng 'Showtime' madlang pipol, thank you po sa inyong love and concern," dagdag pa niya.