• Home
  • Fresh Scoops
  • Paglaladlad ni Charice bilang Jake Zyrus, hinangaan ni Jessica Sanchez

Paglaladlad ni Charice bilang Jake Zyrus, hinangaan ni Jessica Sanchez

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/23/2018 10:48 AM
Paglaladlad ni Charice bilang Jake Zyrus, hinangaan ni Jessica Sanchez


Photos credit to @jessicaesanchez and @jake IG

 

Muling nagkita ang Pinoy singers na sina Jessica Sanchez at Jake Zyrus para sa nalalapit na Music & Me Concert ni Jake ngayong May 25 sa Skydome ng SM North Edsa.

Isa si Jessica sa mga special guest ni Jake na nag fly in pa para magbigay suporta sa kanya.

Unang nagkasama si Jessica at Jake sa isang benefit show noon sa America apat na taon nang nakalipas.

Sa panayam na ito ng entertainment press, ibinahagi ni Jessica na isa siya sa mga humanga sa naging katapangan ni Charice na nag-out sa kanyang sexual preference bilang si Jake.

“I’m a huge supporter of the LBGT community. When I go back home, I’m going to Chicago and perform at Chicago Pride. It’s normal to me. It didn’t affect me that much. I’m just really happy to support him in his journey,” bungad ni Jessica.

Tuluy-tuloy pa din ang pagbigay suporta nina Jake at Jessica sa isa’t isa.

“Yung talent na nare-recognize ng buong mundo sa kanya, the fact na andami dami talented Filipino singers. Si Jessica is well known. The fact yung talent niya na-appreciate ng marami, yun ang nakaka-proud,” sabi ni Jake.

Nagbago man daw si Charice na naging Jake, bilib pa din daw is Jessica sa pagiging mang-aawit nito.

“I can’t stop acknowledging Filipino talents out here. It’s insane! I’m proud of Jake coming out, of being himself. That’s a very hard thing to do, eyes watch you all the time. This is a real artist being himself,” pahayag pa ng singer.

Tatagal hanggang June 13 si Jessica sa bansa at aniya ay looking forward siya sa mga upcoming TV appearances habang siya ay nadito.