• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Zyrus nag-react sa nagsabi na siya ay naka ‘classic self-destruct mode’

Jake Zyrus nag-react sa nagsabi na siya ay naka ‘classic self-destruct mode’

Jake Zyrus, sinabi kung bakit siya nagpost ng topless photo

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/23/2018 10:03 AM
Jake Zyrus nag-react sa nagsabi na siya ay naka ‘classic self-destruct mode’


Photos credit to @Jake IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Jake Zyrus tungkol sa topless photo na pinost niya kamakailan lang. “Sa totoo lang po, hindi po ako mahilig sa beach... parang feeling ko hindi ako makakapag-enjoy but that day was different. Nakasando po ako nun, parang una tinanong ko pa sila, ‘Okay lang ba? Okay lang ba na tanggalin ko yung sando ko?’”

Dagdag pa niya, doon niya naramdaman ang pagka-kumpleto niya. “They were all like, ‘Ano ka ba? Oo naman.’ So that was the first time I took it off. Yung moment na yun dun lang talaga, yung sobrang legit na naramdaman ko eto na talaga yun. Yung feeling talaga na, ‘wow’ kumpleto na ako e.”

Nagkomento rin siya sa article na ang title ay, A Lamentation: Charice (Jake Zyrus), like Boracay, goes into classic self-destruct mode. Ani Jake, “Andun yung kurot na hindi niyo kasi alam yung mga pinagdadaanan ko.”

Sinabi ni Jake na malungkot dahil nasasanay na siyang tanggapin ang mga ganitong bagay. “It’s sad not because it affects me, it’s sad dahil sanay ka na. Kailangan ba maging manhid lahat ng artists? Kailangan maging okay lang? Kailangan tanggapin lang? Of course, I’m not a hypocrite. I’m not going to accept that because you don’t know who I am.”

Giit pa niya, “This person you see right now is not a one-night decision, but thank you for showing this to all the people. Kasi lesson din to for everyone na (iniisip na) okay lang yan. We shouldn’t just say marami namang ganyan e. That’s the point hindi dapat maraming ganyan. Hindi dapat hinahayaan na sinasaktan lang yung mga tao kahit na ang trabaho nila ay pasayahin lang kayo.”

Mensahe pa niya sa nagsulat ng article, “You will get better, kung ano man yung pinagdadaanan mo. Hindi man kita kilala, I know how you feel.”