• Home
  • Fresh Scoops
  • Isyu ng pagseselos ng special someone ni Barbie Imperial sinagot ni JM De Guzman

Isyu ng pagseselos ng special someone ni Barbie Imperial sinagot ni JM De Guzman

Misteryosong karakter ni JM De Guzman sa ‘Araw Gabi’, kinagigiliwan ng mga kababaihan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/23/2018 10:58 AM
Isyu ng pagseselos ng special someone ni Barbie Imperial sinagot ni JM De Guzman


 

Isa ang aktor na si JM De Guzman sa mga kapamilya stars na dumalo sa charity day ng ABS-CBN na Saludo Sa Sundalong Pilipino nitong May 22 sa V. Luna General Hospital.

Kasama ang ilan sa mga cast ng hit afternoon teleserye na Araw Gabi, game na game na nagpa-picture sa mga wounded soldiers ang kapamilya actor.

“I feel honored and excited na mage-entertain kami ng mga soldiers po natin. Isa sila sa mga hinahangaan kong mga tao,” bungad ni JM.

Bukod dito, nagpasalamat din si JM sa nag uumapaw na pagmamahal na kanyang natanggap mula nang siya ay magbalik telebisyon.

“Nakaka-shock and overwhelming po yung blessings. Sobra lang po akong thankful talaga.”

Pagdating naman sa kanyang karakter bilang si Adrian, ipinaliwanag din ni JM ang secret kung bakit kinahuhumalingan ngayon ito ng kababaihan.

“Siguro gusto nila yung behind sa totoong imahe, na halata naman na nilalagay niya lang pero may sincerity, may love siya na sobrang laki. Feeling ko yun yung nag-aattract,” paliwanag ni JM.

Thankful din ang aktor sa gumagandang tandem nila ng kanyang leading lady na si Barbie Imperial.

“Masaya po na nag-work ang love team namin, pero ibibigay pa din po namin ang best namin,” sabi pa ng aktor.

Dahil sa mga makatotohanan na mga eksena sa Araw Gabi, tila ilang fans naman ang nabibigy ng kulay sa kanilang nabubuong tandem.

Kamakailan, napabalita na tila nagkakaroon ng problema ni Barbie sa special someone nito na si Paul Salas.

Read: Barbie Imperial: 'Baka dapat mahalin naman natin sarili natin, bago yung iba'

“Ang alam ko nagka-problema lang, pero ayos na sila,” sabi ni JM.

Paglilinaw ni JM, kapwa kaibigan niya si Paul at Barbie kaya malabong pag-selosan siya ni Paul.

“Hindi po magkaibigan po kami,” pahayag pa nga actor.