• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya stars bag awards at the 49th Box Office Entertainment Awards

Kapamilya stars bag awards at the 49th Box Office Entertainment Awards

Kapamilya stars, hakot awards sa 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

5/22/2018 12:25 PM
Kapamilya stars bag awards at the 49th Box Office Entertainment Awards


Photos credit to @starmagicphils IG

 

Naghakot ng parangal ang iba’t ibang Kapamilya stars sa kakatapos na 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Ginawaran sina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach bilang ‘Phenomenal Stars of Philippine Cinema.’

“Ang saya-saya ng nararamdaman ko. Ang liwa-liwanag ng lahat kaya pasalamat lang ako ng pasalamat sa Diyos, sa lahat ng nangyayari, sa lahat ng tao sa paligid ko,” ani Vice na nakatanggap ng award sa ikapitong sunod na taon.

Ang Kapamilya love teams na sina LizQuen (Enrique Gil at Liza Soberano), JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto), AlEmpoy (Alessandra de Rossi at Empoy) at KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) ay nakatanggap din ng iba’t ibang acting awards.

“It feels so good to really be appreciated. I say it all the time but it’s one of the best feelings in the world,” ani Julia sa panayam ng ABS-CBN News.

Samantala, all-time favorite actor and actress sina Robin Padilla at Sharon Cuneta para sa pelikula nilang “Unexpectedly Yours.”

“Pag sinabing all-time medyo matagal-tagal ka na. Pagdating sa usapin na ‘yon nakakatuwa ‘yon,” natatawang pahayag ni Robin.

Kinilala rin sina Iza Calzado, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli, Tirso Cruz III, Maja Salvador, at Coco Martin sa awards night.